December 29, 2024

Sa pagpasok ng bagong taon, ano nga ba ang mga katangiang dapat taglayin ng isang Bagong Pilipino pagdating sa kalsada? Sa episode na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng disiplina sa ating mga kilos at gawi sa lansangan.

Kasama ang mga resident hosts na sina Paolo Bediones, Isabelle Daza, Boss Toyo at Alex Calleja, susuriin din ang mga responsibilidad ng bawat isa — maging ikaw man ay drayber, pasahero, o simpleng pedestrian. Ang pagiging disiplinado ay hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat ng gumagamit ng kalsada.

Tampok ang kauna-unahang special guest na si Atty. Romando ‘Don’ Artes, Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pag-uusapan natin kung paano makakatulong ang bawat Bagong Pilipino sa pagbuo ng mas maayos at ligtas na kalsada.

Dahil sa Bagong Pilipinas, disiplinado ang Bagong Pilipino — sa sarili, sa tahanan at lalo na sa lansangan!

Ang Bagong Pilipino Podcast ay handog sa inyo ng Presidential Communications Office (PCO) at Radio Television Malacañang (RTVM).

20 Comments

  1. isa lang naman dahilan ng traffic sa manila, volume ng sasakyan mas dumadami nagkakaron ng sasakyan pero iisa lang ang edsa. wala naman bago daan, dumadami tao dumadami sasakyan. ang dali pa bumili 5k downpayment may sasakyan kana eh

  2. ang sarap lagyan ng tape nguso ni boss toyo sinasarili nya ata yun podcast kasi lagi sya nag iinterrupt kaloka. si alex naman sya lang tumatawa sa joke nya. ok na siguro si belle nalanv matira tska si paolo😂

  3. Kamote means obob / shunga. Di ba sa classroom, ang tawag noon sa mga estudyanteng laging bagsak o mahina/mabagal umintindi, “kamote o nangangamote” at saka “kalabasa o nangangabalasa.”
    Isa pang term ng matatanda, “row 4”.

  4. Si boss toyo, tanggalin dyn., di sya bagay. Ilagay na lang safe pawnshop yn na ayokong panoorin ksi degrading, pinagmamalaki nya na nabili nya ang award without thinking na gipit lang yung Tao.

Leave A Reply